Iminungkahi ni Pangulong Duterte na ang paghahanap ng kandidato sa pagkapangulo ay hindi sasabak sa katiwalian, kung nais ng ruling party na matiyak ang pagpapatuloy ng reform agenda.

Aniya si Senador Bong Go ang posibleng maging alternatibo bilang kandidato sa pagkapangulo sa eleksyon sa susunod na taon.

"The best way is really, the faster way to do it is for the PDP to look for a viable candidate for the presidency. Now dito sa, in our narratives now, it would seem na, makuha lang natin ang continuity or at least the money of the people protected is we have a president who would not go into corrupt ways,”ayon kay Duterte sa isang taped meeting kasama ang party leaders na umere sa state television nitong Miyerkules, Hulyo 7.

Dagdag pa niya, ang kanyang dating assistant ay “ready anytime.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“With the present crop of candidates now, baka ang alternative ‘yan siguro baka ang gusto mo si Bong Go ang tinutukoy mo. Bong Go is ready anytime… he is being humble,” ayon kay Duterte.

Pinasalamatan naman ni Go ang suporta ng pangulo ngunit nilinaw niya na wala siyang ambisyon na maging susunod na pangulo ng Pilipinas. Inamin niya na ang pagiging presidente ay “thankless job,” dahil nasaksihan niya kung paano magtrabaho si Duterte sa Palasyo 24 oras kada araw.

Matatandaan na hinimok ng PDP-Laban party leaders si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise presidente at maging standard bearer sa susunod na taon.

Genalyn Kabiling