Pinawalang-sala na ng Sandiganbayan si Senator Ramon "Bong" Revilla sa kinakaharap na kasong graft kaugnay ng umano'y pagkakasangkot sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam ilang taon na ang nakararaan.

Nitong Lunes, isinapubliko ng 1st Division ng anti-graft court ang kanilang 196 pahinang desisyon na nag-aabsuweltokay Revilla sa 16 counts ng graft nang ipagamit umano nito ang kanyang₱124.5 milyong pork barrel fund sa mga pekeng non-government organizations na pag-aari ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

Inlabasng korte ang desisyon bilang tugon sa inihain ng kampo ni Revilla na demurrer to evidence na ibinibigay ng hukuman na opsyon sa bawat akusado upang magamit sa paghiling na ibasura ang kaso dahil sa kahinaan ng ebidensya sa gitna ng paglilitis.

Ikinatwiran ng korte, mahina ang ebidensya ng prosekusyon kaya nila ibinasura ang kaso laban sa senador.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaugnay nito, tuloy pa rin ang paglilitis sa kaso ni Napoles na tinaguriang utak ng pork barrel scam matapos ibasura ng hukuman ang isinampang demurrer to evidence nito.

Matatandaang inabsuweltona rin ng nasabi ring hukuman si Revilla sa kasong plunder noong 2018.

Gayunman, iniutos ng hukuman na ibalik ni Revilla ang ₱124.5 milyon sa gobyerno, gayunman, nagmatigas pa rin ang kampo ng senador at sinabing ipinaglalaban pa rin nila ang usapin.