Pagkatapos ang pagbubunyag ni Senator Manny Pacquiao, masusi nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa kaso ng korapsyon sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Idinahilan ni PACC chairperson Greco Belgica sa isang pagpupulong, nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon sa siyam na kaso ng korapsyon sa DOH.

"We are still in the process of probing nine cases of corruption in DOH, and Health Secretary Francisco Duque III knows it. This is ongoing,” wika ni Belgica. 

Iniimbestigahan din aniya nila ang DSWD kaugnay ng apat na kaso na natanggap nila na may kaugnayan sa Social Amelioration Program (SAP) nito.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

"Sa DSWD, we are investigating four cases since we received 9,000 complaints over SAP,” dagdag ni Belgica.

Una nang isinawalat ni Pacquiao na P10.4 bilyon ang hindi naipamahaging SAP, gayunman, mariin naman itong itinanggi ni DSWD Director Irene Dumlao at hinamon nito si Pacquiao na maglabas ng ebidensyang hindi nakakuha ng ayuda ang mga benepisyaryo ng SAP.

Beth Camia