Hiniling ng isang kongresista mula sa Mindanao kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang appointment ni Maj. Gen. Bartolome Vicente Bacarro bilang bagong commander ng Southern Luzon Command (Solcom)) dahil sa pagkamatay sa hazing ng kanyang constituent, si Darwin Dormitorio, noong siya pa ang hepe o superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) noong 2019.
Idinahilan din ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) na dapat managot si Bacarro dahil sa insidente dahil sa tinatawag na command responsibility.
“These developments are a grave injustice to my late constituent, his family and the people of Cagayan de Oro City,” pagdidiin ng kongresista.
Sa panig ng pamilya ng namatay na PMA cadet, sinabi nilang malaki ang responsibilidad ng bagong hirang na commander ng Solcom sa pagkamatay ng kanilang anak.
“His promotion as Solcom chief shows utter disregard for his serious responsibility, accountability, and failure as commandant of cadets when 4CL Darwin Dormitorio died of hazing in PMA,” pahayag ng pamilya ni Dormitorio.
Bert de Guzman