Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumaba ng 48% ang naitalang dengue cases sa Pilipinas ngayong taon.
Inihayagni Dr. Ailene Espiritu, ng Disease Prevention and Control Bureau ng DOH, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakapagtala lamang sila ng 27,930 dengue cases.
Ito aniya ay mas mababa ng 48% kumpara sa 53,866 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong taong 2020.
Gayunman, aabot sa 104 indibidwal ang namatay dahil sa dengue hanggang nitong Hunyo 5.
Ito ay 43% na mas mababa rin sa 183 na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2020.
Ipinaliwanag naman ni Espiritu na bumaba ang mga kaso ng dengue ngayong taon dahil ang mga tao ay namamalagi sa kanilang mga tahanan bunsod ng pandemya.
Mary Ann Santiago