Suportado ng independent research group na OCTA ang mungkahi ng Department of Health (DOH) na panatilihin ang pagpapairal ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa Hulyo.

Binigyang-diin ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na "angkop sa ngayon" ang pagpapanatili ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR), gayunman, maaari na ring pahintulutang madagdagan ang kapasidad ng mga negosyo at magbukas na rin ng iba pang negosyo.

“I think we agree with the position of the Department of Health that we should maintain a general community quarantine in the NCR. Because although the trend is decreasing, the virus is still present.The Alpha and Beta variants are contagious but we’ve been able to suppress them. We’re happy that we’ve been able to do that but we should not underestimate variants. We should continue to be vigilant, continue to practice safety standards and health standards so that we don’t allow these variants to spread and we should be able to control the spread further,” paliwanag ni David nitng Lunes.

Nananatili pa rin aniya ang NCR bilang“moderate-low risk” sa COVID infections na may average daily attack rate na 4.5 porsiyento.

National

Larry Gadon, magsusumite na ng resignation; 'di raw alam announcement ni Usec. Castro

Sa ngayon aniya, tumataas na lamang hanggang sa 620 bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na malaking pagbaba mula sa pinakamataas nito na 5,500 cases nitong Abril.

“We’re almost back to pre-surge levels. Our pre-surge level was about 400 to 500 [cases], and now were about 620 [cases]. Our positivity rate is down to 7 percent and our hospital utilization rate is about 37 percent. We also have our reproduction number which is about 0.75,” sabi pa ni David

Ellalyn De Vera-Ruiz