Ibinunyag ng isang kongresista na may P18 bilyong hindi nagamit na pondo para sa pagtugon sa pandemic response programs ang masasayang lamang kapag ang Republic Act No. 11519 o Bayanihan 2, ay nag-expire sa Hunyo 30 sa gitna ng pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections sa maraming probinsiya.
Inilarawan ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means, na ito ay isang “life-or-death decision,” kung kaya dapat magdaos ng isang “special session” habang ang Kongreso ay naka-recess upang palawigin pa ang validity ng Bayanihan 2 fund ng isa pang taon.Ipinaliwanag ni Salceda na kapag nag-expire ang Bayanihan 2 sa Hunyo 30, ang mga pondo para sa kontrata sa contact tracers at human resources for health (HRH) ay mawawala o magla-lapse din.
“Without such extension, provinces potentially face a situation of having their contact tracing and healthcare response capacities drastically reduced for at least 26 days (from the June 30 expiry of contracts to July 26, the opening of session) during a period of COVID-19 case surges,” ani Salceda.
Aniya, nakikiusap ang local response teams at civil society groups sa Kongreso na magpasa ng isang panukalang batas na magpapalawig sa aproprasyon at kakayahan na magamit ang mga pondo hanggang Disyembre 31.
“This is a life-or-death decision for many provinces. We can’t afford a month without contact tracing or with reduced health capacity,” babala ni Salceda. “Positivity rates are also above five percent in all regions. This is apart from the surges in Bicol, Visayas and Mindanao,” dagdag pa ng mambabatas.
Bert de Guzman