Isinusulong ng isang kongresista na ipairal din sa online purchase ang 20-percent discount privilege ng senior citizens at mga taong may kapansanan (Persons with Disabilities).

Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas, inihain niyaang House Resolution 1880 sa Kamara upang maliwanagan ang Expanded Senior Citizens Act at Magna Carta for Persons with Disabilities, at mapalawak pa ang saklaw ng discount privileges na ipinagkakaloob ng dalawang batas.

Ikinatwiran nito, walang maliwanag na guidelines mula sa mga pambansang ahensya na may mandato sa pagpapatupad ng probisyon sa discounts.

Sa kasalukuyan, kinailangan pang personal na magtungo sa botika ang senior citizens at PWDs upang makapag-avail ng 20-percent discounts.

Gastos ng mga biktima ng SUV na nang-araro sa NAIA, sasagutin ng San Miguel Corp.

"With the lack of clear guidelines from implementing agencies regarding the special discounts on online transactions, millions of Filipino senior citizens and persons with disabilities are unable to avail of the privileges that they deserve because online transactions do not make a distinction," sabi pa nito.

Bert de Guzman