Target ng Taguig City government na mabakunahan ang mga residente at manggagawa sa lungsod hanggang sa Nobyembre mula sa dating inaasahang Disyembre.
Niyong Biyernes, ipinadala ng lokal na pamahalaan ang dalawang vaccination bus nito sa harapan sa Philippine Stock Exchange (PSE) building sa Bonifacio Global City (BGC) upang pabilisin pa lalo ang pagtuturok ng bakuna sa mga empleyado nito na ikinonsiderang economic frontliners.
Kaugnay nito, tiwala naman si Mayor Lino Cayetano na ang pagbabakuna sa PSE employees ay mahalaga sa kanilang hakbang tungo sa unti-unting pagbabalik ng new normal at magpapahintulot sa dahan-dahang pagbubukas muli ng ekonomiya dahil national stock exchange ang PSE na tinaguriang top financial institution sa bansa.
Bella Gamotea