Dahil pandemic, sariling sikap at diskarte ang ginawa ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas para mabuo ang kanyang bagong mini album.

Ibinahagi ni Hannah ang naging experience niya sa pagre-record ng kaniyang EP na pinamagatang ‘Hannah Precillas Sessions.’

“It may not be perfect but I want to make sure na ‘yung mga taong makikinig nito ay hindi madi-disappoint. Kasi from the audio recording to video shoot, lahat ay aking “sariling sikap and diskarte” because of the pandemic. But now, I am very happy and very excited for everyone to finally hear it and also I feel so grateful that I’ve done another milestone in my life.”

Goal ni Hannah na maka-inspire ng tao sa pamamagitan ng kaniyang musika, “Gusto kong maiparating sa mga listeners that no matter what kind of challenges or hardships we face in our lives, if you’re passionate enough to fulfill your dreams and this makes you truly happy, you can surely do something about it to make it happen.”

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Sa Mayo 25  bukod sa launching ng kanyang album, ay live na mapakikinggan ang pag-awit niya ng ‘Munting Hiling’ na isinulat ni Vehnee Saturno at originally performed by Kapuso host Willie Revillame; ang ‘Hiram na Sandali’ ni Ella May Saison; ‘Awit Kay Inay’ ni Carol Banawa; at ang panibagong bersyon ng kaniyang single na ‘Sabi Ko Na Nga Ba.’

Mercy Lejarde