Matinding problema ang hinihinalang sanhi ng pagpapatiwakal ng isang ginang sa mismo nitong tahanan sa Sitio Proper, Barangay Binauganan, Tarlac City, kamakailan.

Sa ulat ni Police Corporal Eloyd G. Mallari, may hawak ng kaso, nagbigti sa pamamagitan ng plastic straw rope si Alyssa Garcia, 31, may-asawa, residente ng nasabing barangay.

Wala naman umanong maisip na dahilan ang asawa nito kung bakit umabot sa desisyong magbigti ang kanyang misis.

Sinakap pang isugod ang ginang sa Tarlac Provincial Hospital subalit idineklara itong dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Patuloy pang sinisiyasat ng Tarlac City Police Stationn ang insidente.

Leandro Alborote