Walo na ang bilang mga Pinoy athlete na nag-qualify sa darating na Tokyo Olympics matapos madagdag sa listahan ang Filipino rower na si Cris Nievarez.

Ang pagkakadagdag ni Nievarez ay inihayag ng Philippine Rowing Association sa kanilang official social media account.

"We are happy to share that the Philippine Rowing Association received confirmation from World Rowing that we have qualified for the Men's Single Sculls (M1x) for the Tokyo Olympic Games," ayon sa kanilang post.

Nagwagi ng gold medal noong nakaraang 2019 Southeast Asian Games, si Nievarez ang unang Filipino rower na lalaro sa Summer Games pagkatapos ni Benjie Tolentino noong 2000 Sydney Olympics.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lumahok sya sa nakaraang World Rowing Asia & Oceania Olympic & Paralympic Qualification Regatta na idinaos sa Tokyo, Japan noong isang linggo.

Doon ay tumapos lamang siya na panglima sa semifinals at di pinalad na makasama sa top 3 na nakaabot sa Finals na awtomatikong pasok sa Tokyo Games.

Pero sa huli ay pinalad itong mabigyan ng Olympic spot pagkaraang ikunsidera ang mga resulta sa iba pang events.

Si Nievarez ang pang-walong Filipino athlete na sigurado ng makakalaro sa Tokyo Olympics kasunod nina pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, mga boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam at weightliftér Hidilyn Diaz. 

Marivic Awitan