ni LIEZLE BASA IÑIGO

TUMAUINI, Isabela – Inaresto ng pulisya ang isang security guard matapos magpanggap na pulis kaugnay ng pagkakasangkot nito sa extortion at pagkasamsam din sa kanya ng iligal na droga at baril sa nasabing bayan, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Joemar Calara, 31, tubong San Pablo, Isabela at taga-Cumabao, Tumauini.

Sa ulat ng Police Regional Office 2, dinampot si Calara sa isang entrapment operation matapos na magpanggap na pulis upang makapangikil sa may-ari ng isang internet shop sa nasabing bayan, nitong nakaraang linggo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang dakpin matapos tanggapin ang marked money mula sa complainant.

Bukod sa marked money, nasamsam din sa kanya ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs, baril, granada, iba’t ibang bala at drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspek sa patung-patong na kaso.