ni REMY UMEREZ

Noon pa man ay kilala si Rosanna Roces sa pagiging prangka. Game siya sa pagsagot at sori na lang kung may masasagasaan.

Sa isang panayam ay nagtapat ang dating ST ng mga kamalian niya sa buhay noong kapanahunan niya. Pera ang mahalaga at hindi siya naging grateful sa mga taong tumulong sa kanya. Hindi rin naging maayos ang relasyon niya sa pamilya. Ang katangahan ay huwag ng sundan, wika ni Osang. Payo niya ay makinig sa magulang at wag maging pasaway.

Muling nabuhay ang career ni Rosanna sa sunod-sunod na projects mula sa Viva na halos lahat ay sa direksyon ni Darryl Yap. Bihira sa isang comebacking artista ang nabibigyan ng second chance tulad ng nagaganap sa showbiz career ni Rosanna.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser