NAGKASUNDO ang lahat ng kinatawan ng 12 teams ng Premier Volleyball League na muling iurong ang simula ng 2021 Open Conference sa huling bahagi ng second quarter o kaya'y sa bungad ng third quarter ng taon.

Sa kanilang pakikipagpulong sa mga league officials na pinangungunahan ni PVL president Ricky Palou nagdesisyon ang lahat na kailangan pa nila ng panahon upang makapaghanda bago sumabak sa torneo.

Nahinto ang training ng mga teams kasunod ng muling pagsasailalim sa NCR-plus bubble sa enhanced community quarantine (ECQ) sa unang dalawang linggo ng buwan bago inilagay sa modified ECQ mula Abril 12 hanggang 30.

“We have agreed to move the PVL opening to either last week of June or the first week of July,” wika ni Palou.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“We decided to do this to give ample time for the teams to train as a team, as the training of the teams was disrupted when the government agencies agreed to place NCR, Laguna, Rizal, Cavite, and Bulacan under ECQ and now MECQ.”

Kaugnay nito, isiniwalat ni Palou na tinitingnan din nila ang posibilidad na idaos sa ibang lugar ang torneo gaya ng Subic dahil gaya ng NCR nasa MECQ din ang Laguna.

Nakatakda sanang magbubukas ang PVL Open Conference sa huling linggo ng Mayo, ngunit sinuspinde ng Games and Amusements Board ang batch trainings noong Marso 29 kaya nagpulong ang mga teams upang pag usaan ang mga susunod na hakabang kasama ng mga league officials. Marivic Awitan