ni Marivic Awitan
NAKATAKDANG lumahok ang Zamboanga City Valientes MLV sa Philippine Basketball Association (PBA) 3×3 competition na planong simulan sa susunod na buwan, ayon sa kanilang team owner na si Junnie Navarro.
“Before my dream was just to play in the PBA, now I will be a team owner of one PBA team,” wika ni Navarro na nagsabing matagal ng pangarap ng kanyang yumaong ama na si Rolando Navarro Sr. ang maging bahagi ng PBA.
“The Navarro family has been supporting sports in Zamboanga for two decades already. He started this,” ayon pa kay Navarro. “It is our advocacy to help homegrown Zamboanga basketball players to play in the PBA.”
Inaasahang isasabak nila ang mga tubong Zamboanga players na gaya nina Rudy Lingganay, Jens Knuttel, Med Salim, Gino Jumao-as at Das Esa sa PBA 3×3.
Suportado naman ang team ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco.
Ang Zamboanga City Valientes MLV ay nagwagi sa CLB 3×3 Champion sa Canberra, Australia.
Maliban sa basketball, sinusuportahan din ng Zamboanga Valientes MLV si Tokyo Olympic-bound boxer Eumir Felix Marcial gayundin si Jonas Sultan