Ni MERCY LEJARDE
ANG recording artist ng Viva Music na si Via Ortega ay binigyan na rin ng break sa pelikula ng mga Viva bossings headed by Boss Vic del Rosario at introducing nga siya sa pelikulang Biyernes Santo na timing sa nalalapit na Holy Week.

Ang “Biyernes Santo” ay isang horror film na pinangungunahan nina Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario at Ella Cruz sa direction ni Pedring Lopez at showing na this coming March 26 sa ilang streaming sites.
“Ako po at first nabigla nang malaman ko na kasama pala ako sa Vivamax Film horror na Biyernes Santos.
“Tapos ang mga co-stars ko pa ay mga veteran actors na like Gardo Versoza na tumatayng father ko sa nasabing pelikula, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario at Ella Cruz na ang role ay tipong esperetista na nagtataboy ng mga devils sa bahay namin para nga protektehan ako sa mga masasamang espiritu.
“Okay naman po ang pakikitungo sa akin sa set and during our lock in shooting ng mga co-stars ko dito sa Biyernes Santo. Mababait po sila sa akin. Kahit na alam nilang baguhan lang ako. Kaya naman no intimidation on my part at naging panatag ang loob ko sa kanilang lahat pati na rin sa aming Director na si Direk Pedring Lopez. And I’m looking forward to work with them again pati na sa production staff and crew.” Sagot ni Via when asked by yours truly kung how was it working with veteran stars na nakasama nga niya sa kanyang unang pelikula sa Vivamax Film.
Ano naman ang msasabi ni Direk Pedring kay Via as newbie actress?
“Ah, na-surprise ako kasi bilang newcomer, bilang first film niya itong Biyernes Santo magaling siya. Kasi naniniwala ako na there are only good directors with the cast that you work with and all the the cast naman in all pernes from Ella, Mark, Gardo, Andrea and Via…all of them really give their best hundred pecent kasama na dun si Via and I believe na marami pang pelikulang dapat gawin si Via.” Pagtatapos na sey ni Direk Pedring Lopez na isa sa nominado sa 36th PMPC Star Awards For Movies sa kategoryang Best Director.
So there brothers and sisters…dahil nalalapit na and Holy Week tama lang na panoorin nyo itong Vivamax Film Biernes Santo para maging covid free ang ating mind set ngayong Mahal Na Araw 2021, okidoki?
Yon lang and I thank you.