ni Bert de Guzman
Pinagsusumite ng Kamara ang Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ng financial documents upang malaman kung totoong malulugi sila kung hindi pahihintulutang magtaas ng premium contribution rates.
Inatasan din ng Kapulungan ang SSS at GSIS na isapubliko ang kanilang mga transaksyong-pinansiyal at ang suweldo ng mga opisyal.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang mga kongresista na masyadong malalaki ang suweldo ng mga pinuno ng SSS at GSIS.
“We asked these two agencies for their financial statements and their detailed financial status. We asked for these documents, and it has been two, three weeks and we have not received it,” ayon kay Rep. Jose Singson Jr., ang chairman ng House public accounts committee
Aniya, kapag hindi pa nagsumite ng mga dokumento ang SSS at GSIS para masuri ang mga ito, mag-iisyu sila ng mas matinding subpoena para mapilitan ang dalawang ahensiya.
“Umaasa kami na sila’y makikipagtulungan upang hindi na kami mag-isyu pa ng subpoena,” ani Singson.
Itutuloy ng komite ang pagdinig mayroon man o walang mga dokumento.
Ginawa ni Singson ang pahayag matapos magreklamo ang SSS tungkol sa batas na nagbibigay-kapangyarihan sa Pangulo na suspendihin ang planong pagtataas ng kontribusyon ng milyun-milyong kasapi sa gitna ng pandemya