ni Joseph Pedrajas

Puno na ng pasyenteng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Quezon City General Hospital (QCGH).

Ito ang kinumpirma ni QCGH director Dr. Josephine Sabando at sinabing lumagpas na sa 100 porsiyento ang occupancy rate nito mula pa nitong Marso 9.

Binanggit ni Sabando, noong Disyembre 2020 at Enero ng taon ay aabot lamang sa 10 porsiyento ang admission rate nila sa pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Gayunman, nitong Marso 9-12, aabot na aniya sa 106 hanggang 137.5 porsiyento ang kanilang occupancy rate.

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Sabando na tumatanggap pa rin sila ng walk-in na non-COVID patients.

“And ipa-priority natin ay ‘yung may mga urgent cases, tulad ng trauma cases and cardiac emergencies. Sunod ay ‘yung semi-urgent cases. Walk-in patients with non-urgent cases will still be given appropriate medical attention,” dagdag pa nito.