ni Danny Estacio
SAN PABLO CITY, Laguna – Arestado ang isang umano’y gun-for-hire at sangkot din umano sa gunrunning at robbery extortion activities sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Bgy. VII-B, sa nasabing lungsod, nitong Huwebes.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ramir Corcolon na inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Laguna, CIDG Regional Field Office-4A, Regional Mobile Force Batallion 4A, Intelligence Service-AFP, Military Intelligence Group-4, Laguna PPO at San Pablo City Police base sa warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 at Republic Act 9516.
Inihayag pa ng pulisya, si Corcolon ay miyembro ng Asval criminal group na kumikilos sa CALABARZON (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) region.
Nakumpiska sa suspek ang isang Cal. 45, mga bala ng iba’t ibang kalibre, isang improvised explosive device at dalawang granada