Ni NITZ MIRALLES

MAY mga hindi natuwa sa diumano’y pagkumpirma ni Dennis Padilla sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Hindi naman daw tinatanong, bigla na lang nag-message kay Gerald na pinalalabas nito na may relasyon ang dalawa.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

“Kapag siya nagkukuwento (si Julia), hindi naman ako nagtatanong. Siguro she wants to be private lang din. Kung mag-o-open up siya, makikinig lang ako. Kung hindi man, antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin. Siyempre, kailangan naman nating respetuhin din yung karapatan ng ating mga anak, siyempre personal naman nila yun eh,” ayon kay Dennis.

Nabanggit din ni Dennis na kung kakailanganin ni Julia ang tulong pagdating sa kanyang lovelife, nandiyan lang siya,

“Kung saan naman masaya ang anak ko, dun ako. Ang pinaka-importante, she’s a very responsible woman. Meron naman siyang sariling hanapbuhay. She’s an adult. She’s already 23. So, I’m sure alam naman niya kung saan ang tama at mali. Sa akin lang, kung saan siya masaya eh dun ako susuporta. Basta nasa likod lang ako. I’m just a text away kung anuman ang problema,” dagdag ni Dennis.

May message rin si Dennis kay Gerald na for sure, nakarating na sa akto.r. “Kung mahal mo naman yung daughter ko, alagaan mo na lang siya. Huwag mo lang sasaktan. Saka huwag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay,” pahayag pa ni Dennis.

May mga nag-comment na ang mas tamang ginawa ni Dennis, sabihan si Julia na ‘wag papatulan si Gerald dahil mabilis daw magpalit ng girlfriend.