Kasong double murder ang positibong hatol ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa akusadong si PSSgt. Jonel Nuezca na pumaslang sa mag-inang Sonia Gregorio at Mark Anthony.

Nabatid sa NAPOLCOM, nasa ‘consolidation’ na ang mga ebidensya ng Komisyon at magpapalabas ng desisyon sa Enero 2021.

Anila, matatamo na ang hustisya ng mag-inang Gregorio, dahil bukod sa kasong double murder, may mga nauna na ring kaso si Nuezca na kinasangkutan.

Batay sa rekord na nakuha ng DILG, taong 2014 nang harangin ng grupo ni

Inabandonang bus sa Cebu City, naging drug den: 4 na tulak, timbog!

Nuezca ang isang tricycle driver sa C-5 Taguig na isinakay sa police vehicle at hinihingan ang pamilya nito ng P40,000 kapalit ng pansamantalang kalayaan.

Inakusahan ng nasabing pulis ang l driver na may dalang patalim at isang sachet ng shabu.

Noong Oktubre 21,2020, naisilbi na ang desisyon laban kay Nuezca na ‘demotion’ dahilan kung bakit mula sa pagiging Master Sargeant ay naging Staff Sargeant na lamang siya.

-Jun Fabon