IISANG award-giving ang aming kinamulatan. Ito ay ang FAMAS na sa paglipas ng taon ay hindi nakaligtas sa mga puna when it comes sa pagpili ng winners. Kaagapay ng FAMAS ang salitang kontrobersiya. Sangkatutak ngayon ang award-giving bodies at lito ang marami kung alin ang credible at hindi. Prestigious daw ang pagkakaroon ng award. May producer na mas pipiliin ang success ng pelikula sa takilya dahil hindi naman nasasangla ang award.
Ating balikan ang FAMAS at ang pag-snob sa Mindanao na kahit minor award ay walang nakuha. At sa unang pagkakataon in 68 years ay ang Aswang, isang documentary ang tinanghal as Best Picture.
Sa Luna Awards ng Film Academy of the Phils ay namuro naman ang Mindanao in winning the major awards for Judy Ann Santos (Best Actress), Brillante Mendoza (Best Director) at Mindanao as Best Picture.
Tiyak na pagpipistahan ito ng mga netizens at hindi palalagpasin na magkomento ang mga loyal fans ni Juday. Isang bagay lang ang aming masasabi, WHAT ELSE IS NEW?
-REMY UMEREZ