Maagang pamasko ang hatid ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa commuters dahil simula ngayong Disyembre ay mas mabilis na ang operating speed ng kanilang mga tren, na aabot sa 60 kilometer per hour (kph).

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, inaasahan nilang magreresulta ito sa pag-ikli ng biyahe ng mga pasahero, gayundin sa paghihintay nila sa mga tren upang makasakay.

“Ikinalulugod naming i-announce sa inyo na nasa 60 kph na po ang aming takbo sa MRT -3,” anunsiyo pa ni Capati.

-Mary Ann Santiago
National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!