PINAGHARIAN ni Philippine chess wizard Ivan Travis Cu ng San Juan City ang katatapos na 100th Brainy Chess Academy (BCA) Kiddies Chess Under -13 Online Chess Tournament matapos talunin si John Dave Lavandero ng Mabolo, Cebu City sa final round sa lichess.org nitong Martes.
Tumapos si Cu ng 6 wins at 1 loss sa total 6 points, iskor na parehas na naitala ni Angelica Joy Dimalanta ng Guagua, Pampanga.
Ang 11-year-old Cu na grade six pupil ng Xavier School under the guidance ni coach Rolly Yutuc ang kumuha ng titulo dahil sa mas mataas na tie break points sa 1-day event, nagsilbing punong abala si National Instructor Glenn Hullana Garcia na ipinatupad ang seven minutes plus two seconds increment time control format.
“Pinilit kong manalo sa last game kasi alam ko na magiging magandang placing ko,” sabi ni Cu na nalasap ang bukod tanging pagkatalo kay Adelyn Suhaib ng Malaysia sa sixth at penultimate round.
“Kasi alam ko in case mag-tie, sa akin mapupunta ang title kasi alam kong mas mataas ang tie break points ko.”
Ating magugunita na si Cu also din ang nagkampeon sa 92nd Brainy Chess Academy-BCA Kiddies Under 13 category nitong November 12, 2020.