Kritikal ang isang Greek Orthodox priest matapos itong pagbabarilin sa labas ng isang simbahan sa Lyon, France nitong Sabado, sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa katatapos lamang na pag-atake sa simbahan ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Magsasarado lamang ng simbahan si Nikolaos Kakavelaki, 52, nang siya ay atakihin at ngayo’y kritikal ang kondisyon sa ospital, ayon sa mga pulis.

Nakatakas naman ang salarin sa lugar ng pinangyarihan ngunit kalaunan inanunsiyo ng Lyon public prosecutor na naaresto na ang salarin.

“A person who could correspond to the description given by the initial witnesses has been placed in policy custody,” pahayag ni prosecutor Nicolas Jacquet.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Hindi pa naman malinaw kung ano ang motibo sa pag-atake.

“At this stage, no hypothesis is being ruled out, nor favoured,” pahayag ni Jacquet.

Nangyari ang pag-atake sa gitna ng sunod-sunod na karahasang nagaganap sa bansa matapos mamatay ang tatlong tao mula sa isang pag-atake sa loob ng isang simbahan sa Nice nito lamang Huwebes at ang pagpugot sa ulo ng isang guro nitong nakaraang buwan matapos itong magpakita ng isang cartoon ni prophet Mohammed sa kanyang klase.

AFP