ANG tangkad na ni Bimb Aquino na 13 years old lang yata at sa latest photo nila na in-update ni Kris Aquino sa Instagram, kita ang pagdagdag ng tangkad ng bunso ni Kris. Sabi tuloy ni Kris sa kanyang caption, “hello? i’ve missed you... didn’t shrink-my bunso just keeps growing (taller).”

Lahat ng comment, nagugulat sa biglang pagtangkad ni Bimb, at sa mga nag-comment na taller na siya sa kuya niyang si Josh, sagot ni Kris, mas matangkad pa rin si Josh, pero “an inch” taller na lang at puwede siyang maabutan sa height nito ngayon.

Sa mga nagtanong kung naglalaro ba ng basketball si Bimb, sabi ni Kris, “he swims...and right now there’s so much school work- i am so impressed that math & science are so advanced and he’s reading The Odyssey.”

Sa photo, makikitang maiksi ang hair ni Kris at nang may mag-comment na “new hair” siya, sagot ni Kris, “@ging.md i was having thyroid issues again Dra G and grabe my hair fail, so @jonathanvelasco- gave me a textured bob. Thank God the body aches & insomnia have lessened and the hair fall has lessened.”

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

-Nitz Miralles