May 22, 2026

Home BALITA Metro

‘Oldest mall’ sa Taguig City, opisyal nang nagsara kasabay ng pagtatapos ng 2025

‘Oldest mall’ sa Taguig City, opisyal nang nagsara kasabay ng pagtatapos ng 2025
Photo courtesy: Taguigeño (website)

Opisyal nang isinara ang kauna-unahan at itinuturing na “oldest” mall sa Taguig City, noong Miyerkules, Disyembre 31. 

Ayon sa website ng Taguig, Setyembre pa lamang, nagsimula nang isara ng ilang tenants ang kanilang negosyo sa Sunshine Plaza Mall. 

Base pa sa mga ulat na nakalap ng website, redevelopment ng isa pang mall sa Arca South ang dahilan ng pagsasara ng Sunshine Mall. 

Ang nasabing mall na ilalagay sa Arca South ay magkakaroon din daw ng mga mas modernong tindahan at restaurant sa mga pasilidad nito. 

Ang Sunshine Plaza Mall ay unang itinayo noong dekada 1990s, sa Food Terminal Incorporated (FTI), na isang korporasyon na pagmamay-ari ng pamahalaan, na nakatuon sa food processing at distribution. 

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Kaya maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang istorya at lungkot sa pagsasara ng mall. 

“[Y]es memorabilia talaga with my 1st Boyfriend in College hehehe .” 

“Thanks sa memories, Sunshine Mall. Mula noon hanggang ngayon .”

“‘Yan ‘yung unang mall na tatambayan muna namin habang di pa nagbubukas yung dating peryahan sa likod.” 

“Memorable talaga ang Sunshine Mall pag break time pag-OT diyan takbuhan pag breaktime noon may Uniden pa.”

“Sunshine [M]all, unang mall na malapit lang sa amin at nilalakad lang, madaming memories ang pagkabata ko dyan.”

Sean Antonio/BALITA