May 22, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Rocco pinahuhusgahan 'okray' ni Suzette sa Encantadia: 'Pangit 2016, 2005 pinaka the best!'

Rocco pinahuhusgahan 'okray' ni Suzette sa Encantadia: 'Pangit 2016, 2005 pinaka the best!'
Photo courtesy: via MB/GMA Network

Usap-usapan ng mga netizen, lalo na ng mga "Encantadiks" o mga adik o fans ng fantaseryeng "Encantadia," ang Instagram story ng Kapuso actor na si Rocco Nacino, matapos niyang pahusgahan sa kanila ang naging pahayag ni GMA headwriter Suzette Doctolero patungkol sa nabanggit na serye.

Isang netizen kasi ang nagbigay ng reaksiyon na tila lumalaylay na raw kasi ang storyline ng Encantadia, na ang tinutukoy ay ang "Encantadia Chronicles: Sang'gre" na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Angel Guardian, Faith Da Silva, at Kelvin Miranda.

Sey ng netizen, tila pumangit na raw ang storyline ng Enca kumpara sa 2016 remake na pinagbidahan nina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, at Glaiza De Castro.

"Parang pumangit na storyline ng enca po huhuhuhu opinion ko Lang iba nung 2016 miss suzzette," saad ng netizen.

Tugon naman ni Suzette gamit ang verified account, para sa kaniya, "pangit" ang 2016 at "pinaka the best" naman ang 2005 o ang original version na pinagbidahan nina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon.

Teleserye

Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’

"pangit 2016. 2005 po ang pinaka the best," aniya.

Ibinahagi naman ni Rocco, na naging bahagi ng 2016 Encantadia remake, ang screenshot ng kumbersasyon sa pagitan ng netizen at ni Suzette.

"Yes @gmaencantadia??"

"Encantadiks, pasok. Kayo na humusga," saad ni Rocco, na naka-tag pa sa pamunuan ng Encantadia.

Photo courtesy: Screenshot from Rocco Nacino/IG

Matatandaang si Suzette Doctolero ang creator at sumulat ng Encantadia kaya palaisipan sa mga netizen kung bakit daw tila "inokray" ni Suzette ang 2016.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Suzette tungkol dito.