Binira ng isang beteranong abogado ang panukala ng isang kongresista na ipagpaliban ang 2022 national elections dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni election lawyer Romulo Macalintal, maaari lang ipagpaliban ang halalan sa kaso ng karahasan, terorismo o pagkasira ng poll records, na magiging dahilan upang hindi makapagdaos ng malinis at kapani-paniwalang eleksiyon.

“Lubhang maaga (premature) pa na pag-isipan ang pagpapaliban sa halalan na may isa at kalahating taon pa bago idaos,” ani Macalintal.

Nauna nang pinalutang ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo, anak ni dating Pangulong at dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ang ideyang dapat na ipagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang halalan dahil sa pandemiya. Sinabi naman ni veteran rights lawyer Chel Diokno, ang ibang mga bansa ay nakagagawa ng mga paraan upang magdaos ng ligtas na eleksiyon sa gitna ng COVID-19 crisis. Maaari aniyang pag-aralan at obserbahan ng Comelec kung paano idaraos ng United States ang halalan nito sa Nobyembre 3 kahit tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa kanilang bansa.

National

Atty. Melvin Matibag, nanumpa na bilang bagong NBI Director!

-Bert de Guzman