KIEV (AFP) — Patay ang 22 katao kasama ang mga kadete ng militar at dalawa pa ang malubhang nasugatan nitong Biyernes nang bumagsak ang isang eroplano ng Ukrainian air force malapit sa Kharkiv sa silangan ng bansa.

Kinumpirma ni Deputy Interior Minister Anton Gerashchenko ang bilang ng mga namatay at sinabi na sinisiyasat na ang sanhi ng crash.

“Most of [the dead] were students” ng Kharkiv National Air Force University, ayon sa air force.

Mayroong 27 katao sakay, 20 cadets at pitong crew. Dalawampu’t dalawa ang kumpirmadong namatay, dalawa ang nasugatan at pinaghahanap pa ang tatlo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Bumulusok ang Antonov-26 transport plane dakong 8:50 oras sa Ukraine, may dalawang kilometro ang layo mula sa Chuhuiv military air base.