Nakarekober na mula sa sakit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mismong ang Pontificio Collegio Filippino (PFC) sa Roma, kung saan nanunuluyan si Tagle, ang nagkumpirma ng naturang magandang balita nitong Miyerkoles.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston, Rector ng PCF, ang paggaling ng Cardinal ay isang malaking kagalakan sa buong simbahan.

“God wants him to continue serving in the Vatican’s office for the Missions, to bring God’s Good News of love, joy, peace, justice, forgiveness and reconciliation — all of which the world needs in a special way these days,” pahayag pa ni Gaston.

National

Usec. Castro sa umano’y ex-VP Leni vs VP Sara: 'Aksyon vs Bakasyon?'

“The Collegio Filippino in Rome has witnessed his hard work, dedication and prayers,” aniya pa. “We wish him all the best in his short visit to the Philippines, to rest a bit and be with his family back home.”

Si Tagle, na pangulo ng Caritas Internationalis, ay matatandaang dating nagsilbi bilang arsobispo ng Archdiocese of Manila bago itinalaga ni Pope Francis sa Vatican upang maging prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples.

Setyembre 10 nang makumpirmang dinapuan ng karamdaman ang Cardinal pagdating nito sa Pilipinas mula sa Roma, upang dalawin sana ang kanyang mga magulang.

-Mary Ann Santiago