Pormal nang inilipat ng Bureau of Corrections (BuCor) sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) si murder convict U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, kahapon ng umaga.

Dakong 11:52 ng umaga nang saksihan ng abogado ni Pemberton na si Atty. Rowena Garcia at ng ilang BuCor official ang nasabing turnover ceremony.

Paglilinaw naman ni BI spokesman Melvin Mabulac, nananatili pa rin si Pemberton sa selda nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at binabantayan ito ng mga tauhan ng Immigration.

Si Pemberton ay nahatulang makulong nang mapatay nito si transwoman Jennifer Laude noong 2014.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Gayunman, binigyan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon kamakailan.

-Jun Ramirez at Ariel Fernandez