Matapos sumalang sa self-quarantine, balik na sa trabaho si DILG Secretary Eduardo Año sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kahapon, inianunsyo ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na idineklara ng kanyang mga doktor na puwede nang pumasok ng trabaho ang kalihim matapos ganap nang maka-recover sa coronavirus disease (COVID-19).

Nitong Setyembre 2 huling isinalang sa COVID-19 test si Año at nagnegatibo ang resulta.

Muling nakaranas ng sintomas ng COVID-19 ang kalihim noong Agosto 13 at nagpositibo matapos isailalim sa PCR test noong Agosto 14.

National

ICC nanindigan: 'Mr. Duterte is fit'

Beth Camia