Ang lahat ng mga proyekto na sinusuportahan ng China, kasama ang proyekto ng Sangley Airport, ay matutuloy batay sa huling desisyon ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga parusa sa kalakalan ng United States sa ilang mga kumpanya.
Tumanggi ang Pangulo na sundin ang hakbang ng US sa pag-blacklist sa ilang mga kumpanya ng China. Kaayon ng kalayaan ng bansa, mas gugustuhin niyang payagan ang mga naturang pamumuhunan mula sa China na naaayon sa pambansang interes, ayon kay Spokesman Harry Roque.
“(The) Sangley project will continue. All other projects involving Chinese companies that are banned in the United States can continue in the Philippines. We are not a vassal state of any foreign power. We will pursue our national interest,” sinabi ni Roque sa Palace press briefing nitong Martes.
Sinabi ni Roque na idineklara ng Pangulo na ang mga Amerikano ay maaaring mag-blacklist ng mga kumpanyang Chinese sa kanilang sariling teritoryo ngunit hindi sa Pilipinas.
“Malinaw ang sinabi ng Presidente. Hindi siya susunod sa direktiba ng mga Amerikano dahil tayo ay malaya at independiyenteng bansa at kinakailangan natin ang mga namumuhanan galing sa bansang Tsina,” sinabi ni Roque.
“Sangley and all other projects kahit sino pong Chinese contractor yan, tuloy-tuloy ‘yan dahil ang pang national interest natin ay masigurado na matapos ang flagship projects natin sa ilalim ng Build Build Build,” aniya.
Kamakailan ay isinama ng US ang 24 na mga kumpanya ng Chinese sa trade blacklist para sa diumano’y pagtulong sa China na magtayo ng mga isla sa South China Sea. Ipinagbabawal ng trade sanctions ang mga kumpanya ng US na mag-export ng mga produkto sa mga kumpanya na walang lisensya sa gobyerno.
Nauna nang sinabi ni Secretary Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr na inirekomenda niya ang pagwawakas ng mga lokal na kontrata sa mga kumpanyang Chinese kung mapatunayan na ang mgaito ay kasangkot sa mga reclamation works sa pinag-aagawang rehiyon. Isang Chinese firm na sangkot sa pagtatayo ng isang paliparan sa Sangley, Cavite ay kabilang sa mga kumpanyang blacklisted sa United States.
-Genalyn D. Kabiling