BALOT ng kalungkutan ang ABS-CBN nitong Biyernes dahil namaalam na ang maraming empleyado dahil sa pagsasara ng network. Ang puno at dulo ay ang failure na mabigyan ng prangkisa. The rest is now history although marami ang umaasang thru peoples initiative ay baka masalba pa rin ang network.
Nagpahiwatig si Dr. Love kung ano ang magiging kapalaran ng programa sa araw ng Biyernes. May halong lungkot na inabangan ito ng maraming tagapakinig including us. Good at bad news ang naging announcents ni Charlie Navarte producer ng Dr Love Radio Show. Off the air na ang programa from Monday to Friday simula next week. Hindi ito mawawala at babalik sa Sept 5. Only during week-ends Saturdays at Sundays mula 9 to 10pm mapapakinggan ang counseling program.
Ikinatuwa ng mga tagasubaybay ni Bro. Jun ang naging desisyon ng pamunuan at patuloy
naniniwalang in GOD’s time ay babalik din ang programa sa orihinal na time slot.
-REMY UMEREZ