Bawa’tcelebrity ay may bashers, na patunay lamang na may nagbabasa sa kanila o tsinetsek ang bawa’t post nila sa social media, ibig sabihin no’n sikat sila. Kasi kung walang nagre-react ibig sabihin, hindi interesado ang lahat sa kanya kahit na tumambling pa siya.

Kaya either dedmahin ng celebrities ang bashers nila o patulan nila. Isa si Megastar Sharon Cuneta sa mahilig sumagot sa bashers kasi naman below the belt na ang mga tira sa kanya minsan lalo na kung damay ang mga mahal niya sa buhay.

Napanood namin ang latest vlog ni Sharon sa kayang YouTube channel na nilagyan niya ng titulong ‘Dear Bashers’ kagabi, 20 minutes pagkatapos niyang i-upload.

Sa unang bahagi ay ikinuwento ng Megastar ang bagong set o studio na gamit niya, ito raw ang kabilang unit ng condo na hindi nila ginagamit na pamilya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Welcome to the new set. It’s not really a set, it’s my other unit where we live but I don’t live in this unit we live on the other side but everything I love is here, this is my modern farmhouse styled unit,” kuwento niya habang ipinakita ang mga gamit at disenyo na siya mismo ang namili.

Naikuwento rin niya na nitong nakaraang buwan ay may mga post siyang hindi maganda dala na rin ng mga pinagdaanan niya at inaming tao lang siya at nagkakamali.

Pinuna kasi ng netizens ang mga post ni Sharon ng mga mamahalin niyang gamit na kinukolekta tulad ng relo, bags, alahas at sapatos na sa panahon ng pandemya ay kailangan ba talagang ipagyabang ito.

Aniya, “Gagawin ko na lang po sa panahong wala ng pandemic kasi it’s not the right time.” Pero sa kabilang banda ay binanggit niyang hindi na siya apektado sa pamba-bash sa kanya dahil sanay na siya.

Sa loob daw ng 42 years niya sa showbiz at sa mga nakakakilala sa kanya ay hindi niya ipinagyayabang ang anumang mayroon siya.

Aniya pa, kapag may nanakit sa kanya ay bumibili siya ng bagay na magpapagaan sa nararamdaman niya at kasama na ang Rolex watch na pangarap niya bukod pa sa mamahaling oven na La Cornue na gusto rin niyang magkaroon.

Sa madaling salita, in-address ni Sharon ang lahat ng sinabi niya sa vlog ay para sa bashers niya at para mas maintndihan ay panoorin na lang ito.

Sabi nga nya, “Bashers, ‘hi’ and ‘bye.’ Baka naman gusto niyo mag-subscribe, subscribe na lang kayo. Chill na lang tayo kasi na-immune na ako sa inyo.

“Tsaka easy lang kasi may pandemya na nga baka tumaas pa ang presyon ninyo kasi ako hindi na ako na-affect. Friends na tayo.

“My channel will feature my authentic self and that everything we’ll upload will be for my loyal fans who truly know me and have never left me.”

-Reggee Bonoan