Mukhang nasa fighting mood si Pokwang, ang isa sa host ng magazine show ng TV5 na Chika BESH, na napuna na ng netizens dahil sa sunud-sunod na tweet niya tungkol sa late vlog post ng ex-PBB housemate na si Baninay na nag-positibo sa COVID-19.

pokwang at baninay

Ayon kay Pokie ay negatibo na ang rapid test ni Baninay nitong Agosto 2 kaya nga nakapag-guest ang huli sa Chika BESH kamakailan tapos kelan lang ay pinost na positive siya sa COVID-19.

Bahagi ng tweet ni Pokie nitong Miyerkules, “Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last Aug.2?? July 21 ka nagkasakit tapos Aug.2 ok kana negative kana! Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Nalaman ko ngayong umaga lang kung di pa sya tinanong ng mga staff dahil may mga nakapanood na ng vlog nya! kaya sa takot ko umiyak ako at nag panic nauunawaan mo ba na may 2yrs old akong anak at 80 edad na nanay! Hindi nyo alam pakiramdam ng isang ina!

“Mauunawaan nyo lang ako kapag mga magulang na kayo at may mga anak at pamilya na pinoproteksyunan lalo na sa ilalim ng pandemic na ito. #BeResponsible.”

Pinost ni Pokwang ang larawan ng anak at nanay niya at sinabing “Ito at sila ang dahilan bakit ganon ang naging reaksyon ko sa vlog mo (Baninay).”

“Pwede naman kasi hindi na ivlog. pinagkakakitaan nyo kasi yang sakit, tapos sasabihin nadidiscriminate. kung hindi kayo nagvlog, edi walang paguusapan. simple as that.”

Pero kinagabihan din ay natapos na ang isyu dahil ayon kay Pokwang ay nag-usap na sila ni Baninay.

Aniya, “We already talked and settle things in private. I apologized for causing fear and ngayon po ay clear na lahat. Again, sorry po wala akong intensyon na masama.”

Pero bago ang isyu kay Baninay ay nakipagsagutan na ang komedyanang aktres sa netizen na ikinumpara ang Chika BESH sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN na nawala na rin sa ere dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang network.

Ayon sa netizen ay pareho lang daw ng ang konsepto ng show nina Pauleen Luna-Sotto, Ria Atayde at Pokie na Chika BESH.

“Actually marami ‘yan ganyan style isa-isahin ntin po ha, Sis with Gelli de Belen, Janice (de Belen) at Carmina(Villaroel). Mars with Camille prays (Prats), Iya Villania, Suzie Entrata, Kris and Korina. Meron pa, marami pa ‘yan ‘day. Morning Girls Zsa Zsa Padilla, Kris (Aquino) and Carmina. So saan at sino nagsimula?” balik-tanong ni Pokwang sa netizen.

At humingi ng suhestiyon ang Chika BESH host, “Baka po may idea kayo na mai-share, limahan naman ang hosts hindi tatlo lang gawin nating lima, ‘yung walang upuan ang guest.”

Maraming pumabor sa sagot na ito ni Pokwang pero marami rin ang hindi, na dapat daw ay, ‘Kakaumpisa pa lang ng show, positive dapat ang reply mo Pokie, hindi ‘yung negative ang dating. I-angat mo ang bago mong kabuhayan, ‘wag mong hilahin pababa!”

Ipinagtanggol naman kaagad si Pokwang ng iba, “Wala naman sinabing negative si Pokwang. Nilista lang n’ya ‘yung similar female hosted talk shows. Ano ba dapat ang sagot? Dapat ba inaamo ang netizens/troll just to look “positive” to your likings?? Gosh! Totoo naman talaga ang sinabi ni Pokwang eh! At wala nga sa kalingkingan ng mga naunang morning shows ang Magandang Buhay na yun.”

-REGGEE BONOAN