CONGRATULATIONS to the GMA Entertainment Group’s Pinoy adaptation ng isa sa world’s most well-loved drama series ng Korean Drama na Descendants of the Sun. Kinilalala ang nasabing serye bilang Most Popular Drama of the Year ng 15th Seoul International Drama Awards for 2020. Ang DOTS PH ang first Philippine TV program na nakatanggap ng ganitong recognition mula sa annual global festival.
Kasama ng primetime series at dalawa pang foreign dramas, ang Snowpiercer ng US broadcaster TNT at ang The New Pope ng Sky Atlantic at HBO. Ang DOTS ay mula sa KBS drama na ipinalabas sa South Korea noong 2016, at nakita ang influence ng K-drama hindi lamang sa Asia kundi sa buong mundo.
Nagsimulang ipinalabas sa bansa ang teleserye last February 10 na nagtampok kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang si Big Boss or si Captain Lucas Manalo at si Ultimate Star Jennylyn Mercado as Dr. Maxine dela Cruz. Kasama rin nila sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Amith, Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente and others under the helm of Director Dominic Zapata.
Ang taunang festival ay gaganapin sa September 10 sa MBC Media Center Public Hall, pero walang audience.
Umani ng pagbati ang karangalang natanggap ng DOTS PH mula sa mga televiewers ng serye. Nagpasalamat si Dingdong “a proud member of Team DOTS here! Congratulations to the men and women behind the show @gmanetworks at si Rocco Nacino, “Isang napakalaking karangalan para sa akin na makasama ako sa proyekto na ito. Congratulations Team #DotsPh! Salute! – Wolf
Sa ngayon ay inaayos na ng GMA ang pagri-resume ng taping ng DOTS Ph na pansamantalang nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
-NORA V. CALDERON