NAG-TWEET si Luis Manzano na “Love you Momski. Proud of you” na ang tinukoy ay ang pagboto ng mom niyang si Congw. Vilma Santos-Recto na mabigyan ng renewal ang franchise ng ABS-CBN.

Lalo pa sigurong magiging proud si Luis sa mom niya sa pahayag ni Congw. Vilma na “Mahirap ang buhay ngayon. Hindi ito ang panahon para maging heartless. Our people will feel the effect of the non-renewal of the ABS-CBN franchise.

Pero tuloy ang buhay. Nandito tayo para magdamayan. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa” na naging batayan para gisingin ang mga Kongresista na galing sa showbis na gawing huwaran si Vilma.

Speaking of Vilma, nagpahayag ito ng pagkagulat sa naging resulta ng botohan dahil ang alam niya, marami sa kapwa Kongresista ang sumusuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kasi initially, maski sa mga pagdinig, alam ko kahit paano, maraming sumusuporta sa bill na ito na inilalaban namin... Biglang, bakit kami kumonti ng ganito na lang? Very significant naman na bigla na lang kami naging 11. May mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta matatanong o makukuwestiyon. Maski ako, hanggang ngayon, hindi ko ma-absorb, nahihirapan ako,” pahayag ni Vilma sa interview sa kanya sa DZMM last Friday (July 10).

-Nitz Miralles