PANAUHIN sa online weekly forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga qng  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Tatalakayin sa programa ganap na 10 ng umaga ang plano ng SBP upang matugunan ang  pagsunod sa alituntunin sa pagsasanay ngayong panahon ng COVID-19.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sina SBP Executive Director Sonny Barrios  at  Director for Operations  na si Butch Antonio  ang siyang magiging kinatawan ng SBP.

Ang Pilipinas ay magbabakasakali na makalusot sa 2021 Tokyo Olympics para sa basketball 3x3 na iniurong ngayong 2021, kung saan pambato ang Chooks-to-Go Gilas Pilipinas team.

Ang nasabing forum at suportado ng  San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ay mapapanood sa  PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation  gayundin sa  Radyo Pilipinas 2 facebook page.   Annie Abad