PAGSANJAN, Laguna – Isang bangkero ng mga turista ang pinaniniwalaang namatay sanhi ng tuklaw ng ahas sa leeg habang natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Magdapio, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Marlon Maghari, 38, ng nabanggit na lugar.

Naiulat na nadiskubre ni Rosaminda Maghari, 59, ang insidente nang magtungo ito sa bahay ng anak na natutulog na katabi naman ang anak na si Lance Aaron, 15.

Ginigising umano ng ina ang anak ngunit patay na ito at nakita sa bahagi ng kanyang leeg ang umano’y kagat ng ahas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Danny Estacio