Muling lumilikha ng ingay at nagiging usap usapan ang Pilipinas sa larangan ng basketball.

Subalit sa pagkakataong ito,hindi lamang sa men's basketball kundi maging sa women's division nagiging paksa ng usapin ang mga Pinoy.

Sa pagdami ng mga mahuhusay na manlalarong may dugong Pinoy, nadadagdagan din ang mga kabataang talento na nahahanay para sa Gilas Pilipinas Women.

Isa na rito ang standout mula sa Sierra Canyon High School sa Los Angeles, California na nagpahayag ng interes upang makapaglaro sa national team.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"The desire is always there and I always wanna compete in the highest levels," tugon ni Vanessa de Jesus sa panayam dito sa isang online sports talk show na Off the Record.

Ang 5-foot-8 na si De Jesus ang isa sa mga namuno sa Sierra Canyon sa nakaraang tatlong taon kung saan nagtala sila ng 81-17, panalo-talong rekord at isang State Championship.

Purong Pinay si De Jesus na lumaki sa US. Ang kanyang ina ay tubong Alaminos, Pangasinan habang ang kanyang ama ay taga Quezon City.

Subalit sa ngayon,  prayoridad ng  pre-med student-athlete sa Duke University ang kanyang pag-aaral.

Isa pang manlalarong may dugong Pinoy at kakampi ni De Jesus sa Sierra Canyon na napipisil ding mapabilang sa Gilas ay si Alexis Mark na nag enroll naman sa kolehiyo sa Boise State University.

Plano rin ng 6-foot-2 forward na si Mark na mas nakilala sa kanyang ipinakikitang enerhiya at effort sa depensa na magpatuloy ng kanyang paglalaro para sa Broncos habang nag-aaral ng kursong broadcasting and communication.

Idolo ni Mark na mayroong Filipinang nanay si Maya April Moore ng Minnesota Lynx habang si Diana Lorena Taurasi naman ng Phoenix Mercury ang hinahangaan ni De Jesus. MARIVIC AWITAN