Dear Manay Gina,
Siyam na taon na kaming kasal ng aking mister. Ang nakakagulo sa isipan ko ay ang pagkatuklas ng mga larawan sa kanyang computer tungkol sa gay at bisexual pornography.
Kinausap ko siya tungkol dito at idinahilan niyang naging curious lang daw siya. Hindi daw siya gay at ayaw niyang makipagrelasyon sa kapwa-lalaki. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Ang iniisip ko na lamang ngayon ay ang kapakanan ng aming dalawang anak at ang masaya naming pagsasama.
Loida
Dear Loida,
Matapos mahulihan ng gay pornography, sinisikap ng iyong mister na ayusin ang sitwasyon upang maisalba ang inyong pagsasama. Pero ang katotohanan, hindi ka kumbinsido sa kanyang rason. Marahil ay may iba ka pang dahilan kung bakit nagdududa ka sa kanyang seksuwalidad.
Dahil sinabi mong masaya naman ang inyong pagsasama, pagtulungan n’yong harapin ang hamong ito sa inyong buhay as a couple. Humingi kayo ng tulong sa isang marriage counselor, na may kaalaman din sa psychotherapy upang matukoy ang ugat ng inyong suliranin.
Nagmamahal,
Manay Gina
“The discovery of truth is prevented more effectively, not by the false appearance things present and which mislead into error, not directly by weakness of the reasoning powers, but by preconceived opinion, by prejudice.” --- Arthur Schopenhauer
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia