Naiwala ni Mike Tan ang kanyang wedding ring, kaya nanawagan siya sa sinumang makakakita o makakapulot na ibalik ito sa kanya.

Mike Tan

“Iunfortunately lost my wedding band at one of our taping locations here in Banaue. If you are in any of the following areas: Hiwang Road, Hiwang Native Inn, Banaue Museum and happen to spot this ring, please message me directly on my FB Page, Twitter, and IG.”

Kasama noon, pinost ni Mike ang wedding ring na suot pa niya at may dagdag siyang, “My wife’s name “Cris” is engraved on the inside using cursive text.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nagti-taping si Mike sa Banaue ng The Seed of Love kasama sina Glaiza de Castro at Valerie Concepcion nang mawala ang kanyang wedding ring.

Masaya ang family life ni Mike sa piling ng asawang si Cris at dalawa nilang anak. Plus, lagi siyang may TV show sa GMA-7, kaya tama ‘yung sinabi niya sa isang interview na halos wala na siyang mahihiling pa sa buhay.

-Nitz Miralles