MARAMING iconic scenes ng Korean drama na Descendants of the Sun ang inaabangan ng mga netizens gabi-gabi sa local adaptation nito ng GMA Network. Last week ay inabangan iyong iconic scarf scene nang muling magkita ang characters nina Capt. Lucas (Dingdong Dantes) at Dr. Maxine (Jennylyn Mercado), nang pareho silang na-deploy sa Urdan camp ng mga rebelde. Hindi nila in-expect na doon pa sila muling magkikita.

Dingdong & Jen shipwreck scene

Last Monday evening ang tinutukan ng mga netizens ay ang pagpunta nila sa isang lugar na may barkong na-shipwreck sa lugar. Ang hashtag ng episode ay #DOTSPHShipwreckPromise, na ang tanong ano ang promise ni Lucas kay Maxine?

Ang said scene ay kinunan sa napakagandang lugar sa Batangas, ang Fortune Islands. Sabi ni Lucas, ang mga pumupunta raw doon, kapag kumuha ng bato, tiyak na babalik sila muli doon. At ang gusto ni Lucas, kapag bumalik sila roon, sila nang dalawa. Matupad kaya iyon dahil tumanggi si Maxine? Ang said scene ay kinunan ng original version sa Greece. Kaya ang tanong noong inihahanda pa lamang ang DOTSPH, kung saan daw sa abroad kukunan ang scene, hindi na pala kailangan mag-abroad, dahil mayroon palang magandang lugar dito sa atin na pwedeng gamiting location.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kaya ang mga netizens hindi nakalimot magbigay ng comments sa napanood nila.

Sabi ni L@myungsooooo Ang ganda ng location. Galing naman ng researcher sa locations. May ganito pala sa atin? Di na kailangang magshoot sa ibang bansa kasi meron naman pala dito sa atin. @gilbert_sedigo In this kind of Teleserye, we can promote the beauty of our dear country. Good job @GMADrama. @ian_jomar Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya naman talaga ng GMA Drama yan. Kaya nga dapat mas tinatangkilik ang mga Teleserye ng GMA dahil pwedeng ipangtapat sa ibang bansa. LEE @supermochiii THE CINEMATOGRAPHY! THE COLOR GRADING! THE SHOTS! THE VIEW! Shot in the Philippines ‘yan!!!

May comment din si @nacinorocco Bigboss @dongdantes, dapat pala Hopia na lang hashtag ngayong gabi noh? Hopia tong si Lucas at Diego eh. @Maya20712474 Na hopia na nga kayo Lalo na si Captain Lucas. Ang eksena kasi ay pareho silang tinanggihan nina Dr. Maxine at Capt. Moira (Jasmine Curtis Smith).

Ang “Descendants of the Sun Ph” ay dinidirek ni Dominic Zapata at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng romantic-comedy series na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

-NORA V. CALDERON