ISA sa mga nag-audition para maging leading man ni Kyline Alcantara para sa bagong teleseryeng Bilangin Ang Bituin Sa Langit ay si Yasser Marta. Hindi siya makapaniwalang siya ang napili ng pamunuan ng GMA 7.

Yasser Kyline

Si Yasser ay half Filipino at half Portuguese. Nadiskubre siya ng sumali sa Spogify sa Eat Bulaga noong 2016. He was eighteen years old then naging miyembro siya ng all-male singing group One Up. Nakalabas din siya sa drama anthology shows tulad ng Wish Ko Lang, at Tadhana.

Una silang nagkasama ni Kyline sa Kambal Karibal. May chemistry ang dalawa kaya hindi nagdalawang-isip ang GMA na muli silang pagtambalin.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bibigyan buhay ni Yasser ang karakter ni June Santor ang carefree son nina Zoren Legaspi at Ina Feleo. Makikilala niya si Kyline na anak ni Mylene Dizon at dito mabubunyag ang isang lihim.

Isa lamang ito sa maraming conflicts ng teleseryeng na ang bida ay si Nora Aunor at sa direksyon ni Laurice Guillen.

-REMY UMEREZ