“LAST minute siya nagpasabing hindi makakarating kasi may ubo’t sipon,” ito ang sabi sa amin ng production staff ng concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na Co Love Live na ginanap nitong Sabado sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City. Si Nar Cabico, 2016 grand champion ng Superstars Duets ang kapalit na kasama rin sa 12 guests.

Dennis at jennylyn

Anyway, sinilip namin ang IG account ni Janno at habang ginaganap ang concert nina Jen at Dennis ay nag-post siya, 4 hours ago ng drawing na kamukha niya, “Ughhh sick days.”

Nitong Araw ng mga Puso, Pebrero 14 ay pinost ng singer/actor ang larawan nilang pamilya (Bing Loyzaga at dalawang anak na babae) sa bahay nila at lahat sila ay may hawak na pusa at ang caption, “Maligayang Araw ng Mga Pusa este Puso.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sa nasabing larawan ay halatang matamlay na ang mga mata ni Janno kahit nakangiti pa. Ibig sabihin ay nasa bahay lang sila nagselebra ng Valentine’s day.

Anyway, may mga nanghinayang na hindi nakarating si Janno dahil matagal na rin siyang hinintay ng mga tagahanga niya, pero hindi na rin gaanong naramdaman dahil mahusay si Nar sa dueto nila ni Jennylyn na medley ng Moments of Love at If I’m Not in Love.

-REGGEE BONOAN