SA isang pambihirang pagkakataon ay may concert titled Love And Light. A Valentine dinner concert ang walang kupas at music legend Basil Valdez at Jamie Rivera na gaganapin ngayong Thursday Feb. 13 sa Mayuree Grand Ballroom ng Dusit Thani Manila.

Basil

Sa repertoire ay tiyak na kabilang ang signature song ni Basil ang Ngayon At Kailanman. Taong 1977 ng isaplaka ang classic song na likha ni George Canseco (SLN.). Forty years na itong inaawit ni Basil at saka niya na-realize na this is not only a favorite wedding song kundi isang papuri sa Panginoon.

Bukod kay Canseco ay may tribute si Basil para sa National Artist Ryan Cayabyab who composed Nais Ko at Paraisong Parisukat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tulad ni Pilita Corrales another music icon ay patuloy ang alok kay Basil na mag-concert abroad. Basil has done more than 50 Church concerts.

Parang hindi kapani-paniwala na ngayon lamang magsasama sa concert sina Basil at Jamie. Love songs at inspirational ones ang tema ng concert.

Excited si Jamie sa duet nila ni Basil ng isang hit song the balladeer recorded in the past. Para kay Jamie ang paborito niyang awitin ni Basil ay You. Nasa tuwing naririnig niya ay she can’t help na mangiti.

-REMY UMEREZ