INAABANGAN ngayon ng netizens ang reaction ni Sharon Cuneta sa pagkikita ng anak na si KC Concepcion at ama nitong si Gabby Concepcion. Kung may time kasi si KC na makipagkita sa ama, sa kanya at sa kanila ni Sen. Kiko Pangilinan at mga kapatid kina Sharon at Kiko, tila wala pang planong magpakita si KC.

kc2

Maaalalang nagkaroon ng isyu nang mag-post si Sharon sa social media dahil hindi nakipagkita si KC noong nakaraan niyang birthday. Hindi na sinagot ni KC ang post ni Sharon at hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakikipagkita sa ina at sa pamilya nito.

Anyway, sa kanyang IG Stories, ibinahagi ni KC ang dinner date nila ni Gabby noong February 2 sa hindi sinabing restaurant, pero parang sa Japanese restaurant ang date ng mag-ama dahil sa kinakain ni Gabby na “raw food.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

May nagtanong kasi kay KC kung nagkikita pa sila ng dad niya at ang sagot ni KC ay ang pagpapakita ng screenshot ng text ni Gabby na “Where tonight?” na ang ibig tukuyin ni Gabby ay kung saan sila magdi-dinner.

May screenshots din si KC sa pagkikita nila ni Gabby sa resto habang kumakain na si Gabby at pinayuhan ang ama na maging careful dahil “raw” nga ang kinakain ng ama. Pero, tuluy-tuloy sa pagkain si Gabby at sinabihan si KC na mag-order na.

Sinagot din ni KC ang tanong ng netizen kung kumusta sila ng kapatid na si Garie Concepcion at sagot ni KC, “So good! We’re close. I love my sister” at ipinakita ang palitan nila ng messages ni Garie.

-NITZ MIRALLES